Ipinahayag Linggo, Pebrero 27, 2022 ng Tanggapan ng Pangulo ng Ukraine, na sang-ayon itong magpadala ng delegasyon upang makipagtalastasan sa Rusya.
Ang nasabing talastasan ay gaganapin sa purok-hanggahan ng Belarus at Ukraine sa paligid ng Ilog Pripyat.
Nauna rito, inihayag ni Tagapagsalita Dmitry Peskov ng Kremlin na sumang-ayon ang panig Ukrainian sa pagsasagawa ng talastasan sa panig Ruso sa Homyel, Belarus.
Handang-handa aniya ang panig Ruso para rito.
Ayon naman sa pahayag ng Bangko Sentral ng Rusya kahapon, taglay ng Rusya ang kinakailangang pondo upang mapanatili ang katatagang pinansyal at maigagarantiya nito ang takbo ng mga negosyo sa larangang pinansyal.
Sa kasalukuyan, normal ang lahat ng mga bangko sa loob ng Rusya, dagdag ng bangko sentral.
Salin: Vera
Pulido: Rhio