Inaprubahan kahapon, Pebrero 27, 2022 ng United Nations Security Council (UNSC) ang Resolusyon Bilang 2623 na nag-a-awtorisa sa pagdaraos ng Pangkagipitan at Espesyal na Pulong ng Pangkalahatang Asembleya ng UN Hinggil sa Kalagayan ng Ukraine.
Ito ang kauna-unahang resolusyon ng UNSC nitong nakaraang 40 taon hinggil sa pagdaraos ng ganitong pulong.
Batay sa resolusyong ito, nakatakdang magpulong Lunes, Pebrero 28, 2022 ang Asembleya ng UN para talakayin kung papaano maisasagawa ang kolektibong aksyon bilang tugon sa kalagayan ng Ukraine.
Ang panukala ng nasabing resolusyon ay isinumite ng Amerika at Albania.