Inilabas Linggo, Pebrero 27, 2022 ng Ministring Panlabas ng Thailand ang pahayag ng mga ministrong panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nagpapahiwatig ng pagkabahala sa mga nangyayaring kaguluhan sa Ukraine.
Anang pahayag, nababahala ang mga ministrong panlabas ng ASEAN sa situwasyon ng digmaan sa Ukraine.
Nanawagan sila sa iba’t-ibang panig na panatilihin ang pagtimpi sa pinakamataas na digri, at isagawa ang diyalogo, sa pamamagitan ng lahat ng mga tsanel na kinabibilangan ng paraang diplomatiko, upang maiwasan ang paglala ng situwasyon, mapahupa ang maigting na kalagayan, at hanapin ang mapayapang solusyon, batay sa pandaigdigang batas, Karta ng United Nations (UN), at Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia.
Nananalig ang mga ministro na mayroon pa ring espasyo para sa mapayapang diyalogo, upang maiwasan ang pagkawala sa kontrol ng situwasyon.
Dapat anilang panatilihin ng iba’t-ibang panig ang kapayapaan, katatagan at may-harmonyang pakikipamuhayan, batay sa simulain ng paggagalangan sa soberanya, kabuuan ng teritoryo at pagkakapantay-pantay.
Salin: Vera
Pulido: Rhio