Sa Seremonya ng pagpipinid ng Beijing 2022 Olympic Winter Games na ginanap nitong Pebrero 20, 2022, sinabi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC) na naging "tunay na kagila-gilalas" ang nasabing Olimpiyada.
Bilang tanging lunsod sa daigdig na nagtaguyod ng kapuwa Summer Olympics at Winter Olympics, bakit nga ba "truly exceptional" ang Beijing?
Unang-una, natupad ng Tsina ang pangako nitong itaguyod ang isang “simple, ligtas, at kamangha-manghang” pagtitipun-tipong pampalakasan, at lubusang pinalaganap ang diwa ng Olimpiyada na “Faster, Higher, Stronger—Together.”
Sa loob ng 17 araw, madalas na nilikha ng mahigit 2,800 atleta mula sa 91 delegasyon ang mga bagong rekord sa kasaysayan ng Olimpiyada.
Maliban dito, naisakatuparan ang target ng Tsina na hayaan ang 300 milyong mamamayan na sumali sa palakasan ng yelo’t niyebe, at pinasimulan ang bagong panahon ng palakasan sa taglamig sa buong mundo.
Matagumpay rin ang praktika ng closed-loop management sa Beijing Winter Olympics.
Sa ilalim ng pabagu-bagong kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at multipleng hamong kinakaharap ng sangkatauhan, ang pagtatagumpay ng Beijing Winter Olympics ay nakapagpasigla ng puwersa ng pagkakaisa at kapayapaan sa mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio