Ipinahayag ngayong Miyerkules, Marso 2, 2022 ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Taiwan Affairs Office of the State Council ng Tsina, na ang anumang pakana at kilos ng tagasuporta ng “pagsasarili ng Taiwan” kontra patakarang Isang Tsina ay tiyak na mabibigo at hindi nito kayang hadlangan ang pagsisikap ng mga mamamayang Tsino para sa reunipikasyon ng bansa.
Kaugnay ng pagbatikos ng awtoridad ng Democratic Progressive Party ng Taiwan sa resolusyon bilang 2758 ng Asembleya ng United Nations, sinabi ni Zhu na ito’y nagpapakitang nagbubulag-bulagan ang Democratic Progressive Party sa mga pandaigdigang batas at saligang regulasyon ng relasyong pandaigdig para itanggi ang katotohanang ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina.
Noong 1971, pinagtibay ng ika-26 na Asembleya ng UN ang resolusyon bilang 2758 para mapanumbalik ang lahat ng lehitimong karapatan ng People’s Republic of China (PRC) sa UN at kilalanin ang Pamahalaan ng PRC bilang tanging lehitimong kinatawan ng Tsina sa UN.
Salin:Ernest
Pulido:Mac