Amerika, binalaang putulin ang lahat ng porma ng pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan

2022-03-02 15:16:28  CMG
Share with:

Amerika, binalaang putulin ang lahat ng porma ng pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan_fororder_20220302Taiwan

Kaugnay ng pagbisita ng dating mataas na opisyal ng Amerika sa Taiwan, hinimok nitong Martes, Marso 1, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na putulin ang lahat ng mga porma ng pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan.
 

Noong Pebrero 28, nabatid mula sa isang di-pinangalanang opisyal ng Amerika na ipinadala nitong Martes ni Pangulong Joe Biden ang limang dating mataas na opisyal ng Amerika sa Taiwan para makipagtagpo sila kay Tsai Ing-wen.
 

Kaugnay nito, ipinagdiinan ni Wang na buong tatag ang determinasyon at mithiin ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method