Tsina, pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakalipas na 13 taon

2022-03-02 14:40:27  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Martes, Marso 1, 2022, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay umabot sa US$878.2 bilyon na naging rekord sa kasaysayan. Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakalipas na 13 taon.

Ang bolyum ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay katumbas ng 14.5% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina at ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina noong taong 2020 at 2021.

Ipinahayag ni Sheng Qiuping, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa loob ng darating na limang taon, buong sikap na aangkatin ng Tsina ang mga produktong agrikultural mula sa ASEAN na may halagang US$150 bilyon.

Sinabi pa niyang palalawakin ng Tsina ang pakikipagkooperasyunan sa ASEAN sa pamumuhunan sa mga larangang gaya ng digital economy, paglaban sa epidemiya ng COVID-19 at green industry.

Noong taong 2021, ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan ng Tsina at ASEAN sa isa’t isa ay umabot sa halos US$300 bilyon.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method