Paglago ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad ng Tsina, patuloy: pagkakataong pangkaunlaran, ibabahagi sa mundo – Wang Wenbin

2022-03-03 15:22:52  CMG
Share with:

Pinababa kamakailan ng ilang organong pandaigdig ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon.
 

Kaugnay nito, inihayag kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na lumaki ng 8.1% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2021.
 

Ayon sa opinyong publiko, ang Tsina ay nananatili pa ring pangunahing makinang panulak para sa pagpapasulong sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
 

Samantala, inihayag Miyerkules, Marso 2, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa harap ng presyur at hamong dulot ng pagbabago ng kapaligirang ekonomiko sa loob at labas ng bansa, nananatiling medyo mainam pa rin ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong 2021.
 

Kapansin-pansin din ang mga natamong bunga at tampok nito, dagdag niya.
 

Sinabi ni Wang, na pagsisikapan ng panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang panig, ibahagi sa buong mundo ang pagkakataong pangkaunlaran, at magkasamang ipagpatuloy ang paglago ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method