Ayon sa inisyal na kalkulasyong inilabas ngayong araw, Enero 17, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumampas sa 114.36 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2021, at ito ay lumaki ng 8.1% kumpara noong 2020.
Umabot naman sa 5.1% ang karaniwang paglago ng GDP nitong nakalipas na 2 taon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio