CMG Komentaryo: Pagbisita ni Pompeo sa Taiwan, nagpapakita ng masamang tangka

2022-03-03 15:47:38  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pagbisita ni Pompeo sa Taiwan, nagpapakita ng masamang tangka_fororder_20220303Pompeo

Simula Marso 2, 2022, bumisita sa Taiwan si Mike Pompeo, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.
 

Ang nasabing pagbisita ay isa na namang komedyang nagtataglay ng masamang tangka, at hindi ito magbubunga ng anumang kaguluhan para sa Tsina.
 

Nakikipagsabwatan ang awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) ng Taiwan sa ilang Amerikano.
 

Tinatangka nitong hanapin ang pagsasarili ng Taiwan habang dumedepende sa Amerika, at nais nitong sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng Amerika.
 

Tiyak na mabibigo ang kanilang tangka.
 

Hangad ni Pompeo ang kapangyarihan, at hindi niya kailanman’y itinakwil ang pangarap na maging pangulo ng Amerika.
 

Samantala, sapul nang ipataw ng Tsina ang sangsyon laban sa kanya noong Enero ng nagdaang taon, hindi naging madali ang kanyang buhay.
 

Kailangang-kailangan niyang makinabang sa umano’y talumpati, gamit ang DPP.
 

Isang araw bago dumating si Pompeo sa Taiwan, bumisita rin sa Taiwan ang delegasyong binuo ng mga dating opisyal na pandepensa at panseguridad ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano.
 

Para sa mga paksyon ng Amerika, naghaharing partido man o partido oposisyon, ang Taiwan ay isa lamang ahedres upang hanapin ang personal na kapakanang pulitikal, at isulong ang kanilang mga ambisyong pampulitika.
 

Dapat intindihin ng awtoridad ng DPP na maliban sa pag-udyok ng kaguluhan at pagpapasidhi ng maigting na kalagayan sa Taiwan Strait, walang kabuluhan ang biyahe ni Pompeo sa Taiwan.
 

Hindi dapat maliitin ng sinuman ang matatag na determinasyon, matibay na mithiin at malakas na kakayahan ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa!
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method