Lubos na pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang sistema ng konsultasyong pulitikal.
Sapul noong 2013, lumalahok siya taun-taon sa mga grupong pulong sa taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), para pakinggan ang mga kuro-kuro at mungkahi ng mga kagawad ng CPPCC sa iba't ibang suliraning pang-estado.
Nitong 9 na taong nakalipas, ang mga paksang tinalakay ni Xi, kasama ng mga kagawad ng CPPCC, ay sumaklaw sa iba't ibang aspektong gaya ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya, kaunlaran sa mga rehiyong pinaninirahan ng mga etnikong minorya, pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, pag-unlad ng real economy at pribadong sektor, paghubog ng mga talento para sa kanayunan, paghihikayat ng talino mula sa mga etnikong Tsino sa ibayong dagat, pagpapalakas ng papel ng panitikan at sining sa paglilingkod sa mga mamamayan, pagpapaunlad ng agrikultura, pagpapahusay ng saligang sistema ng serbisyong medikal, at iba pa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos