Binuksan ngayong araw, Marso 4, 2022 sa Beijing ang Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Dumalo sa pulong ang mga lider ng partido at bansa na gaya ni Pangulong Xi Jinping.
Bilang kataas-taasang organo ng mga tagapayong pulitikal ng bansa, ang CPPCC ay mahalagang bahagi ng sistema ng pambansang pangangasiwa ng Tsina. Nagpapatingkad ito ng katangi-tanging papel sa paggawa ng desisyon sa masususing patakaran at hakbangin ng bansa’t lokalidad at mahahalagang isyu sa larangan ng pulitikal, kabuhayan, kultura at pamumuhay na panlipunan.
Kalahok dito ang halos 2,000 kagawad mula sa iba’t ibang partido, paksyon, grupo, lahi at sirkulo ng bansa.
Sa panahon ng 6-araw na sesyon, pakikinggan at susuriin nila ang work report ng Pirmihang Lupon ng CPPCC at ulat hinggil sa mga mosyon.
Dadalo rin sila sa taunang sesyon ng punong lehislatura ng bansa, para pakinggan at talakayin ang government work report at iba pang mga isyu.
Salin: Vera
Pulido: Mac