CMG Komentaryo: Malakas ang ebidensya! Totoong ginawa ng Amerika ang genocide

2022-03-04 15:03:00  CMG
Share with:

Inilabas nitong Miyerkules, Marso 2, 2022 sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina ang artikulo hinggil sa katotohanang historikal at makatotohanang ebidensya kaugnay ng pagsasagawa ng Amerika ng genocide sa mga native Indians.
 

Detalyadong nilagom ng nasabing artikulo ang malungkot na proseso ng paglipol ng mga buhay at kultura ng mga India, at ipinamalas sa tagalabas ang maraming krimen ng panig Amerika sa paglapastangan sa karapatang pantao, sa pamamagitan ng mga balot-sa-bakal na ebidensya.

CMG Komentaryo: Malakas ang ebidensya! Totoong ginawa ng Amerika ang genocide_fororder_20220304komentaryo

Sapul nang itatag ang Estados Unidos, sistematiko nitong ipinagkait ang karapatan sa buhay at mga pundamental na karapatang pulitikal, kabuhayan at kultura ng mga Indian, sa pamamagitan ng iba’t ibang malupit na paraan. Ayon sa pandaigdigang batas at domestikong batas, ang ginawa ng Amerika sa mga Indian ay 100% genocide.
 

Ayon sa datos, bumaba sa 250,000 ang populasyon ng mga Indian sa Amerika noong unang dako ng ika-20 siglo, mula 5 milyon noong 1492.
 

Bukod dito, komprehensibong ipinagkait ang karapatan sa awtonomiya ng mga tribong Indian, at ipinagbawal ang pagsasalita ng mga batang Indian ng lengguwahe ng sarili nilang lahi.
 

Masama ang kapaligiran ng pamumuhay, kapos sa segurong panlipunan, mababa ang katayuang pulitikal…bagay na direktang nagbunga ng mahinang katayuan ng mga Indian.
 

Nitong nakalipas na mahabang panahon, pinalaganap ng Amerika ang imahe nito bilang “diktador sa karapatang pantao,” at madalas na nakialam sa mga suliraning panloob at kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa. Samantala, buong sikap nitong tinakpan ang sariling masamang kilos sa karapatang pantao. Ang situwasyong ito ay malawakang binabatikos ng komunidad ng daigdig.
 

Hindi dapat magkunwaring bingi at pipi ang Amerika sa malawakang pagbatikos. Dapat tumpak nitong pakitunguhan ang krimen ng genocide sa mga Indian.
 

Kahit isinasagawa ng Amerika ang double standard sa isyu ng karapatang pantao, napatunayan ng historikal na rekord at mga katotohanan na ang genocide ay bahid-historikal na hinding hindi kayang takpan ng Amerika, at nagkapira-piraso na ang balatkayo nito bilang “tagapagtanggol ng karapatang pantao.”
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method