Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Marso 7, 2022, 327 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 113 ang galing sa labas ng bansa at 214 ang domestiko.
Hanggang maghahati-gabi ng Marso 6, 2022, 3,837 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, walang bagong ulat na nasawi dahil sa pandemiya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio