Tsina, puno ng pananalig sa COC sa South China Sea

2022-03-07 18:22:35  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Lunes, Marso 7, 2022 sa Beijing ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na puno ng pananalig ang panig Tsino sa pagkasundo sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS).

Sinabi ni Wang na ang pagpapasulong ng pagsasanggunian hinggil sa COC ay angkop sa komong kapakanan ng Tsina at mga bansa ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito rin aniya ay susi sa paggarantiya ng kapayapaan at kooperasyon ng SCS.

Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyan, ang nasabing pagsasanggunian ay pumasok sa masusing yugto, dapat maayos na hawakan ng mga may kinalamang panig ang mga pagkakaiba hinggil dito at matatag na iwasan ang mga panggagambala mula sa mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS.

Salin:Ernest

Pulido: Frank

Please select the login method