Ayon sa ulat, bumagsak habang nagsasanay sa South China Sea ang isang fighter jet ng Amerika, at sinabi ng dayuhang media na maaaring kunin ng panig Tsino ang naturang eroplano bago ito mapasakamay ng Amerika.
Kaugnay nito, inihayag Huwebes, Enero 27, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi intersado ang panig Tsino sa eroplanong Amerikano.
Tinukoy ni Zhao na ito ay hindi unang aksidente ng Amerika sa karagatang ito. Nauna rito, hindi ipinaliwanag ng panig Amerikano ang hinggil sa pagbangga ng nuclear submarine nito sa South China Sea, at muling naganap ngayon ang aksidente ng pagkabagsak ng carrier-based aircraft.
Hinimok niya ang naturang bansa na gawin ang mas maraming bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, sa halip ng pagyayabang ng sariling lakas sa rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Pandaigdigang batas sagot ng Tsina sa pahayag ng Kagawaran ng Estado ng Amerika kaugnay ng SCS
Tsina sa Amerika: sumapi muna sa UNCLOS bago makialam sa isyu ng South China Sea
Nakakalito at hindi makatwiran ang lohika ng pag-aalis ng mga diplomata Amerika — Tsina
CMG Komentaryo: Kilos ng ilang pulitikong Amerikano, parumi nang parumi