CMG Komentaryo: Ang mga sagot ni Wang Yi sa news briefing ay nagpapakita ng pangako at responsibilidad ng Tsina sa daigdig

2022-03-08 16:21:48  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Ang mga sagot ni Wang Yi sa news briefing ay nagpapakita ng pangako at responsibilidad ng Tsina sa daigdig_fororder_20220308komentaryo1

 

Sa news briefing na idinaos nitong Lunes, Marso 7, 2022 sa Beijing, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang paninindigang Tsino hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kaugnay ng mga hamong pandaigdig, sinabi ni Wang na bilang responsableng malaking bansa, patuloy na itataguyod ng Tsina ang multilateralismo, at palalakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan kasama ng mga bansang mapagmahal sa kapayapaan. Ito aniya ay tungo sa magkakasamang pagharap sa mga hamong dulot ng masalimuot at pabago-bagong kalagayang pandaigdig.

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, nagbuklod-buklod ang maraming mga bansa at mamamayan sa ilalim ng diwa ng Olimpiyada.

Kaugnay ng konstruksyon ng Belt and Road, Global Development Initiative at Regional Comprehensive Economic Partnership, sinabi ni Wang na handa ang Tsina na patuloy na pasulungin, kasama ng komunidad ng daigdig ang mga kooperasyon para rito.

 

CMG Komentaryo: Ang mga sagot ni Wang Yi sa news briefing ay nagpapakita ng pangako at responsibilidad ng Tsina sa daigdig_fororder_20220308komentaryo2

Kaugnay ng relasyong Sino-Amerikano, tinukoy ni Wang na dapat magkasamang magsikap ang dalawang bansa para mapanumbalik ang kanilang bilateral na relasyon sa tamang landas batay sa tatlong prinsipyong gaya ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Palagiang iginigiit ng Tsina ang tunay na multilateralismo at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng buong daigdig, ani Wang.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method