Pangulong Tsino, nagpaabot ng pakikidalamhati sa kanyang Pakistani counterpart kaugnay ng teroristikong atake sa Peshawar

2022-03-08 12:02:47  CMG
Share with:

Kaugnay ng malubhang teroristikong pag-atake na naganap kamakailan sa Peshawar city, Lalawigang Khyber Pakhtunkhwa ng Pakistan, ipinadala Lunes, Marso 7, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikidalamhati sa kanyang Pakistani counterpart na si Arif Alvi.
 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang malalimang pakikidalamhati sa mga nasawi, at ang taos-pusong pakikiramay rin sa kamag-anakan ng mga biktima.
 

Saad ni Xi, mariing kinondena ng panig Tsino ang naturang teroristikong pag-atake, at buong tatag na kinakatigan ang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Pakistani para sa pagbibigay-dagok sa terorismo, pagtatanggol ng katatagan ng bansa, at pangangalaga sa buhay at kaligtasan ng mga mamamayan.
 

Nang araw ring iyon, nagpadala naman ng mensahe ng pakikidalamhati si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method