Teroristikong atake sa Pakistan, kinondena ng UNSC

2022-03-07 15:37:18  CMG
Share with:

Mariing kinondena Linggo, Marso 6, 2022 ng United Nations Security Council (UNSC), ang suicide terrorist attack na naganap kamakailan sa Pakistan.
 

Ang anumang porma ng terorismo ay isa sa mga pinakamalubhang banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad, saad nito.

Teroristikong atake sa Pakistan, kinondena ng UNSC_fororder_20220307Pakistan

Nanawagan ang Konseho sa lahat ng mga bansa na aktibong makipagtulungan sa pamahalaang Pakistani at iba pang kaukulang panig, upang mabigyang-katarungan ang mga biktima ng pananalakay, batay sa obligasyong itinakda ng pandaigdigang batas at kaukulang resolusyon ng UNSC.
 

Inihayag din nito ang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at pamahalaan ng Pakistan.
 

Nitong Marso 4, naganap ang suicide bombing attack sa isang moske sa Peshawar, Pakistan, na ikinasawi ng 63, at ikinasugat ng halos 200 iba pa.
 

Inako naman ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa naturang pag-atake.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method