Babaeng astronaut ng Tsina, nagpaabot ng pagbati sa International Women’s Day mula sa kalawakan

2022-03-08 15:47:11  CMG
Share with:

Sa okasyon ng International Women's Day ngayong Marso 8, isang video message ang ipinadala ni Wang Yaping, babaeng astronaut ng Tsina na nagpapatupad ng 6-buwang misyon sa Space Station ng bansa, sa Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, bilang pagbati sa mga babae sa buong mundo.

Babaeng astronaut ng Tsina, nagpaabot ng pagbati sa International Women’s Day mula sa kalawakan_fororder_20220308WangYaping3

“Sana’y hanapin ng bawat babae ang pinakamaluningning na bituin para sa kani-kanilang minamahal na pamumuhay at karera,” saad ni Wang.
 

Aniya, ipinakikita ng maraming datos na walang malinaw na pagkakaiba ang lalaki at babae, sa aspekto ng kakayahan sa pag-angkop at pagtatrabaho sa kalawakan, at maaaring matapos ng mga babaeng astronaut ang parehong pagsasanay at pagtasa ng mga lalaking astronaut sa mataas na pamantayan.

Babaeng astronaut ng Tsina, nagpaabot ng pagbati sa International Women’s Day mula sa kalawakan_fororder_20220308WangYaping1

Tinukoy ni Wang na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiyang pangkalawakan at pag-usad ng kalawakang komersyal, nagiging normal ang pagsali ng mga babae sa paglipad sa kalawakan.
 

Umaasa siyang matutupad ng lahat ng mga babae ang kani-kanilang bersyon ng pangarap na mapabilang sa paggalugad sa kalawakan.

Babaeng astronaut ng Tsina, nagpaabot ng pagbati sa International Women’s Day mula sa kalawakan_fororder_20220308WangYaping2

Sa pamamagitan ng pagsisigasig, tiyak na maaabot ang kani-kanilang pangarap, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method