Pagsubok ng mano-manong operasyon ng pagdaong ng spacecraft at space station ng Tsina, matagumpay

2022-01-08 16:46:55  CMG
Share with:

Pagsubok ng mano-manong operasyon ng pagdaong ng spacecraft at space station ng Tsina, matagumpay_fororder_e08dc603ca924ae5b18279a226e74bb9

 

Matagumpay na isinagawa ngayong umaga, Enero 8, 2022, bilang subok na operasyon ang pagdaong sa pagitan ng Tianzhou-2 cargo spacecraft at space station ng Tsina.

 

Ayon sa China Manned Space Agency, ang naturang pagdaong ay kinontrol nang mano-mano ng tatlong astronaut sa loob ng Tianhe core module ng space station, sa tulong ng mga tauhan sa mundo. Tumagal nang halos 2 oras ang buong proseso.

 

Ayon pa rin sa salaysay, ang mano-manong remote operation na pagdaong ay mahalaga para sa pagtatayo ng space station, dahil ito ay backup sa sandaling mabibigo ang awtomatikong pagdaong sa pagitan ng space station at bumibisitang spacecraft.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method