China's Space Program: A 2021 Perspective , isinapubliko

2022-01-28 12:23:34  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Enero 28, 2022 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "China's Space Program: A 2021 Perspective."
 

Inilahad ng nasabing white paper ang mga pangunahing progreso ng usaping pangkalawakan ng Tsina sapul noong 2016, at mga pangunahing tungkulin sa susunod na 5 taon, para ibayo pang mapahigpit ang pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa usaping pangkalawakan ng bansa.

China's Space Program: A 2021 Perspective , isinapubliko_fororder_20220128WhitePaper

Anang dokumento, sa mula’t mula pa’y itinuturing na mahalagang bahagi ng pangkalahatang estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina ang pagpapaunlad ng usaping pangkalawakan, at iginigiit ang pagsasarbey at paggamit ng outer space, batay sa mapayapang layunin.
 

Sa darating na 5 taon, ipapatupad ng space program ng Tsina ang bagong ideyang pangkaunlaran, bubuuin ang bagong kayarian ng pag-unlad, pasusulungin ang komprehensibong pag-unlad ng space science, space technology at space application industry, at gagawin ang mas malaking ambag para sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan sa outer space at pagpapasulong sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
 

Dagdag ng white paper, aktibong sasali ang bansa, kasama ng iba’t ibang bansa, sa global governance sa outer space, mangangalaga sa seguridad ng outer space, at magpapasulong sa pangmalayuan at sustenableng pag-unlad ng mga aktibidad sa outer space.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method