Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Marso 9, 1992, sumapi ang Tsina sa NPT

2022-03-09 10:24:36  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Marso 9, 1992, sumapi ang Tsina sa NPT_fororder_20220309nuklear420

Ngayong araw, Marso 9, 2022 ay ika-30 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa “Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT).”

Ang NPT ay isang pandaigdigang kasunduang magkakahiwalay na nilagdaan noong Hulyo 1, 1968 sa London, Washington, at Moscow ng 59 bansang kinabibilangan ng Britanya, Amerika, at dating Union of Soviet.

Layon nitong mapalakas ang pandaigdigang kooperasyon sa pagpigil sa pagkalat na nuklear, pagpapasulong ng nuklear na disarmamento at mapayapang paggamit ng lakas na nuklear. Pormal na nagkabisa ang kasunduang ito noong Marso ng taong 1970.

Ang nasabing kasunduan ay sandigan ng international nuclear disarmament at nuclear non- proliferation. Ito ang mahalagang bahagi ng pandaigdigang sistemang panseguridad pagkatapos ng World War II.

Noong Disyembre 29, 1991, ipinasiya sa ika-23 sesyon ng Ika-7 Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na sumapi ang Tsina sa NPT.

Isinumite noong Marso 9, 1992 ng Tsina ang apilikasyon sa pagsapi sa NPT na nagkabisa ng sabay ang kasunduang ito sa Tsina.

Bilang signataryong bansa ng NPT, lagi’t laging tinututulan ng Tsina ang pagkalat ng sandatang nuklear sa anumang porma. Palagiang naninindigan ang Tsina na komprehensibong ipagbawal at lubusang wasakin ang mga sandatang nuklear.

Sa unang araw na nagtaglay ang Tsina ng sandatang nuklear, unilateral nitong ipinangakong sa anumang oras at kondisyon, hindi nito munang gagamitin ang sandatang nuklear, at isinasabalikat nito ang obligasyong gumamit o magbanta ng paggamit ng sandatang nuklear sa mga bansa’t rehiyong walang sandatang nuklear.

Sa isyu ng pagpapaunlad ng sandatang nuklear, sa mula’t mula pa’y nagtitimpi ang Tsina, at ang pagdepensa sa sarili ay tangi at pinal na layon.

Walang anumang intensyon ang Tsina sa pagbabanta sa seguridad ng anumang bansa, at wala ring anumang intensyon itong magsagawa ng arms race sa anumang bansa.

Bukod pa riyan, ipinalabas noong Enero 3, 2022 ng mga lider ng 5 bansang nagtataglay ng sandatang nuklear ang magkakasanib na pahayag tungkol sa pagpigil sa digmaang nuklear at pag-iwas sa paligsahan sa dami ng sandata.

Anang pahayag, magpupunyagi ang Tsina, Pransya, Rusya, Britanya, at Amerika upang iwasan ang pagsiklab ng komprontasyong nuklear, at gagawin nilang responsibilidad at tungkulin ang pagbabawas ng estratehikong panganib hinggil sa naturang usapin.


Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo: VCG

Please select the login method