Kaugnay ng isyu ng mga biolohikal na laboratoryo ng Amerika sa Ukraine, muling hinimok Martes, Marso 8, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na komprehensibong ipaliwanag ang mga aktibidad nito, at tanggapin ang multilateral na pagsusuri.
Saad ni Zhao, ayon sa datos na inilabas ng panig Amerikano, mayroong 26 na biolohikal na laboratoryo ang Amerika sa Ukraine.
Aniya pa, may ganap na kontrol sa nasabing mga laboratoryo ang Kagawaran ng Depensa ng Amerika.
Dagdag ni Zhao, sa mga ito iniimbak ang mga mapanganib na virus.
Samantala, ang lahat ng mga pananaliksik ay pinamumunuan ng panig Amerikano, at hindi isinasapubliko ang anumang impormasyon, kung wala itong pahintulot, saad pa niya.
Tinukoy ni Zhao na ang mga biolohikal na laboratoryong militar ng Amerika sa Ukraine ay isa lamang halimbawa.
Graphic na magpakita ng bahagi ng U.S.-funded bio-labs sa ibayong dagat.
Sa ngalan ng “kooperasyon para mabawasan ang panganib sa biolohikal na kaligtasan at mapalakas ang pandaigdigang pampublikong kalusugan, kontrolado ng Amerika ang 336 na biolohikal na laboratoryo sa 30 bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio