Global Times: ayaw-magpakilalang opisyal ng Amerika, mula sa NSC ng White House

2022-03-10 14:47:38  CMG
Share with:

 

Sinipi ng New York Times noong Pebrero 25 at Marso 2 ang mga sinabi ng isang ayaw-magpakilalang opisyal ng Amerika.

Ayon dito, bago pa paman isagawa ng Rusya ang pagsalakay sa Ukraine, alam na di-umano ng Tsina ang tungkol dito.

Ayon pa sa naturang opisyal, hiniling ng Tsina sa Rusya na ipagpaliban ang aksyon, at isagawa ito pagkatapos Beijing Winter Olympic Games.

Bilang tugon, kinondena ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang naturang mga pananalita.

Tinukoy niyang peke ang mga sinabi ng di-umano’y ayaw-magpakilalang opisyal.

Layon lamang aniya ng Amerika na pinsalain ang imahe ng Tsina.

Samantala, ayon sa impormasyong nakuha ng Global Times (isang pahayagan ng Tsina), sa pamamagitan ng iba’t-ibang tsanel, ang nabanggit na ayaw-magpakilalang opisyal ng Amerika ay galing sa National Security Council (NSC) ng White House.

Dagdag pa riyan, binatikos ng New York Times ang Tsina sa di-umano ay pagkampi nito sa Rusya at pagtutuol sa sangsyon ng Amerika sa Rusya.

Ayon sa Global Times, madalas ginagamit ng mga media ng Amerika ang mga pekeng mensahe na galing sa mga di-umano’y ayaw-magpakilalang opisiyal. Ito ay naglalayong iligaw ang pampublikong opinyon patungo sa maling direksyon, diin ng nasabing pahayagan.

Ipinahayag din ng Global Times na kahit nagaganap ang krisis ng Ukraine, patuloy pa ring pinapalawak ng Amerika ang badyet nito sa rehiyong Indiano-Pasipiko para pigilan ang impluwensiya ng Tsina sa rehiyon.

Ipinakikita nitong walang-balak ang Amerika na lutasin ang krisis ng Ukraine, at nais lamang nitong isabit ang Tsina sa mga kontradiksyon para matamo ang kapakanan.

Ipinahayag ng Global Times na batay sa analisasyon ng mga dalubhasa sa isyung pandaigdig, ang krisis ng Ukraine ay sanhi ng walang humpay na pagpapalawak ng impluwensya ng Amerika at NATO.

Anang Global Times, iresponsable at imoral ang mga kilos at pananalita ng panig Amerikano kaugnay ng naturang krisis.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method