Ika-3 pangkat ng bakuna kontra COVID-19, ibinigay ng Tsina sa UNRWA

2022-03-10 16:17:50  CMG
Share with:

Idineliber Miyerkules, Marso 9, 2022 ng panig Tsino sa United Nations Relief and Works Agency for Palestinian Refugees in the Near East (UNRWA) ang ika-3 pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng kompanyang Sinopharm.
 

Gagamitin ang mga ito sa inokulasyon ng mga Palestine refugee sa loob ng Lebanon.
 

Ipinahayag naman ng araw ring iyon ng Tanggapan ng Tsina sa Palestina, na mayroon nang mga 200,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19 ang ipinagkaloob ng Tsina sa mga Palestinian refugee sa ibayong dagat.
 

Ang mga bakunang ito ay idineliber sa UNRWA, sa pamamagitan ng tatlong pangkat, at magkakahiwalay na inihatid sa Jordan, Syria at Lebanon.
 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, umabot na sa 2 milyong dolyares ang kabuuang donasyon ng Tsina sa nasabing organisasyon.
 

Bukod diyan, ipinagkaloob din ng Tsina ang mga materyal sa mga organong medikal ng UNRWA sa Palestina, Jordan, Lebanon at Syria.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method