WHO: 56% ng populasyon sa daigdig, ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19

2022-03-03 15:50:46  CMG
Share with:

Inihayag Miyerkules, Marso 2, 2022 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na bumababa na ang bilang ng mga pumapanaw dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa maraming mga rehiyon.
 

Pero, idinagdag niyang mataas pa rin ang hospitalization rate at death rate sa ibang mga bansa.
 

Aniya, sa kasalukuyan, 56% ng populasyon sa buong mundo ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19, pero 9% lamang ang vaccination rate sa mga bansang mababa ang kita.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method