Katatapos lang ng taunang Two Sessions, pinaikling termino para sa Sesyong Plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina at Sesyong Plenaryo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa.
Bawat taon, sumasali si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa talakayan kasama ng mga miyembro ng NPC at CPPCC para himayin ang mga usapin ng bansa.
Minsan, sinipi ni Xi ang isang kilalang tradisyonal na pintura para ilarawan ang magandang tanawin ng mapayapang pakikipamuhayan ng mga tao sa kalikasan sa bagong panahon ng Tsina.
Ang Pamumuhay sa Bundok Fuchun ni Huang Gongwang. Mga 690 sentimetro ang haba ng pintura.
Ang Pamumuhay sa Bundok Fuchun (Dwelling in Fuchun Mountain) ay dakilang akda ni Huang Gongwang, sikat na pintor ng Dinastiyang Yuan ng Tsina na 670 taon na ang nakakalipas. Ang pintura, na nagtatampok sa tradisyonal na Chinese ink-wash painting, ay nagpapakita ng may harmonyang pamumuhay sa pagitan ng tao at kalikasan.
“Kailangang isagawa ang magkakaibang makabagong bersyon ng Pamumuhay sa Bundok Fuchun.”
Ang talinghagang ito ay ginamit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para ilarawan ang magagandang tanawin ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino na mapagkaibigan sa ekolohiya sa bagong panahon. Kasalukuyang isinasakatuparan sa bansa ang panibagong bersyon ng Pamumuhay sa Bundok Fuchun.
Ang mga talinghagang ginamit ni Xi ay nagpapakita ng kanyang pananaw sa pangangasiwa sa bansa.
Inihambing din niya ang pangangalaga sa buhay sa proteksyon sa kapaligiran.
“Kailangan nating protektahan ang kapaligirang ekolohikal tulad ng pangangalaga sa mga mata, at kailangan din nating pahalagahan ang ekolohiya gaya ng pagpapahalaga sa buhay,” saad ni Xi.
Isa pang talinghaga ni Xi: “Kailangang maging kasinselan at kasinsinop ng pagbuburda ang pangangasiwa sa mga siyudad.”
Salin: Jade
Pulido: Mac
Sand Painting: Bai Sha
Video-edit: Frank Liu