5.5%, target sa paglaki ng GDP ng Tsina sa 2022

2022-03-05 12:14:59  CMG
Share with:

5.5%, target sa paglaki ng GDP ng Tsina sa 2022_fororder_1128439906_1646450619478_title0h

 

Humigit-kumulang 5.5% ang target sa paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2022.

 

Ito ay iniharap ni Li Keqiang, Premyer Tsino, sa ulat tungkol sa mga gawain ng pamahalaan, na ginawa niya sa ika-5 sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresyong Bayan (NPC) ng Tsina, na binuksan ngayong araw, Marso 5, 2022, sa Beijing.

 

Binanggit din ni Li ang ibang mga target sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, na gaya ng paglikha ng mahigit 11 milyong bagong trabaho sa kalunsuran, pagpapanatili ng paglaki ng Consumer Price Index sa humigit-kumulang 3%, pag-prodyus ng mahigit 650 milyong toneladang pagkaing-butil, at iba pa.

 

Ibayo pang pabubutihin ng Tsina ang kapaligiran, at babawasan pa ang pagbuga ng mga pangunahing polutante, dagdag niya.

 

Binigyang-diin din ni Li, na sa harap ng maraming hamon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, dapat ipagpatuloy ng Tsina ang pag-unlad, habang binibigyang-priyoridad ang katatagan ng kabuhayan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method