Maayos na natapos ang iba’t-ibang adiyenda ng Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at ipininid ito kaninang umaga, Marso 10, 2022.
Pinagtibay sa nasabing sesyon ang resolusyon hinggil sa work report ng Pirmihang Lupon ng CPPCC, resolusyon hinggil sa mga mosyong iniharap sapul nang idaos ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 CPPCC, ulat ng pagsusuri sa mga mosyon ng Ika-5 sesyon ng Ika-13 CPPCC, at resolusyong pulitikal ng kasalukuyang sesyon.
Tinukoy ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC, na ang kasalukuyang taon ay huling taon ng termino ng Ika-13 kapulungan.
Ipinagdiinan niyang dapat gawing sentro ang mga mamamayan, at pragmatikong pataasin ang kakayahan at lebel sa konsultasyon.
Dumalo sa pulong ng pagpipinid ang mga lider ng partido at bansa na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang at iba pa.
Inanyayahan din dito ang mga diplomata’t sugong dayuhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio