Sa news briefing ngayong araw, Marso 11, 2022, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na 5.5% ang target ng paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2022. Ito aniya ay nangangahulugan na dapat isakatuparan ng Tsina ang malaking pag-unlad sa isang mataas na pundasyon.
Tinukoy ni Li na ang GDP ng Tsina sa taong 2021 ay umabot sa mahigit 110 trilyong Yuan RMB at sa buong daigdig, ang pananatili ng ganitong bilis na paglaki ng GDP ay isang mahirap na isyu para sa anumang malaking ekonomya na tulad ng Tsina.
Sinabi pa ni Li na ang mga gagamiting hakbangin ng Tsina sa taong 2022 ay nakatuon sa kasalukuyan at pangmatagalang isyu ng pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac