Ipinatalastas kahapon, Marso 13, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magtatagpo Lunes, Marso 14, 2022 sa Roma, kabisera ng Italya, sina Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); at Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika.
Tatalakayin nila ang hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at iba pang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa mahalaga sa dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na layon ng pagtatagpo na ipatupad ang mahalagang komong palagay na narating sa virtual summit ng mga lider ng Tsina at Amerika noong Nobyembre ng taong 2021.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Pangulong Tsino, dumalo sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing 2022 Paralympic Winter Games
News briefing hinggil sa bunga ng Beijing Winter Paralympics, idinaos
Premyer Tsino: 5.5% target ng paglaki ng GDP ng Tsina sa 2022
Tsina sa Amerika: Ang pagdadawit sa Tsina sa isyu ng Ukraine ay “kasuklam-suklam at malisyoso”