Patakarang pinansiyal ng Euro area sa 2023, magiging “broadly neutral”

2022-03-15 16:53:40  CMG
Share with:

Patakarang pinansiyal ng Euro area sa 2023, magiging “broadly neutral”_fororder_EURO20220315

 

Idinaos Lunes, Marso 14, 2022 sa Brussels ang pulong ng Eurogroup para talakayin ang patakarang pinansiyal ng Euro area sa 2023 at tasahin ang epekto ng kalagayan sa Ukraine sa pagbangon ng kabuhayan ng Europa.

 

Sinabi ni Paschal Donohoe, Presidente ng Eurogroup, na kasunod ng pagbangon ng kabuhayan, ang patakarang pinansiyal ng Euro area ay babaguhin mula “aggregate supportive” patungo sa “neutral aggregate” sa taong 2023.

 

Ipinahayag din ng Eurogroup na dahil sa epekto ng kalagayan ng Ukraine, lumalaki ang mga hamon at walang katiyakang mga element sa kabuhayan ng Euro area. Ipinahayag ni Paschal Donohoe na sa taong 2022, dapat panatilihin ng euro area ang "agile and flexible" na patakarang pinansiyal.

 

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method