US$ 157.2 bilyon, FDI sa Tsina sa unang 11 buwan ng 2021

2021-12-17 11:17:18  CMG
Share with:

US$ 157.2 bilyon, FDI sa Tsina sa unang 11 buwan ng 2021_fororder_38e233fabb3048e3a03c872cd0da2cbc

 

Pumalo sa 1.04 na trilyong yuan RMB o US$157.2 bilyon ang  direktang puhunang dayuhan (FDI) na natanggap ng Tsina mula Enero hanggang Nobyembre ng taong 2021. Mas mataas ito ng 15.9% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2020.

 

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Huwebes, Disyembre 17, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 11 buwan ng taong ito, ang FDI sa sektor ng serbisyo ng bansa ay tumaas ng 17 porsyento samantalang nagtala ng 19.3 porsyento ang pagtaas ng puhunang dayuhan sa mga industriya ng hay-tek, kumpara sa gayunding pananahon ng tinalikdang taon.

 

Pagdating naman sa pinagmulan ng puhunan, ang FDI sa Tsina mula sa mga bansang kasapi ng Belt and Road Initiative (BRI) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay mas mataas ng 24.7 porsyento at 23.7 porsyento, ayon sa pagkakasunod, dagdag pa ng naturang ministri.  

 

Ipinangako ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakaran ng ibayo pang pagbubukas sa labas at buong tatag na ipatutupad ang Foreign Investment Law, para walang patid na mapabuti ang kapaligirang pangnegosyo at maisakatuparan ang komong kaunlaran.

 

Kasabay nito, bilang pagtupad sa pangako sa pagsapi sa World Trade Organization (WTO), binawasan na ng Tsina ang bahagdan ng panlahat na taripa mula 15.3% hanggang sa 7.4%, na mas mababa sa 9.8% na accession commitment nito. Sumapi ang Tsina sa WTO noong 2001.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method