Ministring Panlabas ng Tsina, inusisa ang mga laboratoryo ng Amerika sa Ukraine

2022-03-15 12:14:32  CMG
Share with:

Kaugnay ng mga biyolohikal na laboratoryo ng Amerika sa Ukranie, inihayag Lunes, Marso 14, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa harap ng mga dokumento, litrato, materyal at iba pang ebidensya na natuklasan ng Rusya sa Ukraine, ganap na kaduda-duda ang katwiran ng umano’y “pekeng balita” ng panig Amerikano.
 

Aniya, ayon sa mga lumabas na impormasyon, tumakbo ang ilanpung biolohikal na laboratoryo sa loob ng Ukraine, ayon sa kautusan ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, at inilaan ng Amerika ang mahigit 200 milyong dolyares na laang-gugulin sa mga aktibidad ng naturang mga laboratoryo.
 

Ayon naman sa ulat ng American media, nagsinungaling ang pamahalaang Amerikano sa isyu ng lihim na laboratoryong biyolohikal sa Ukraine, at inilihim sa mga mamamayang Amerikano ang tunay na layunin ng pagsuporta sa mga laboratoryong ito.
 

Tinukoy ni Zhao na ayon sa dokumentong isinumite ng Amerika sa komperensya ng mga signataryong bansa ng Biological Weapons Convention (BWC), mayroong 26 na pasilidad ng kooperasyon sa Ukraine ang Amerika na kinabibilangan ng mga laboratoryo.
 

Muling hinimok niya ang panig Amerikano na komprehensibong ipaliwanag ang biological military activities nito, umayon sa responsableng atityud, at itigil ang unilateral na pagtutol sa pagbuo ng BWC verification regime.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method