Tsina sa Amerika: buksan ang mga biyolohikal na laboratoryo para sa nagsasariling imbestigasyon

2022-03-16 15:56:50  CMG
Share with:

Nanawagan nitong Martes, Marso 15, 2022 si Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Amerika na buksan ang mga biyolohikal na laboratoryo para sa nagsasariling imbestigasyon ng mga dalubhasang pandaigdig, at itigil ang unilateral na pagtutol sa pagbuo ng Biological Weapon Convention (BWC) verification regime.
 

Saad ni Zhao, ayon sa mga lumabas na impormasyon kamakailan, tumakbo ang ilanpung biolohikal na laboratoryo sa loob ng Ukraine, ayon sa kautusan ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, at inilaan ng Amerika ang mahigit 200 milyong dolyares na laang-gugulin sa mga aktibidad ng naturang mga laboratoryo.
 

Tinukoy niyang ibinunyag ng panig Ruso ang ilang plano sa pananaliksik ng mga biyolohikal na laboratoryo ng Amerika sa Ukraine, na kinabibilangan ng UP-4 project na pinag-aralan ang posibilidad ng pagkalat ng avian viruses sa pamamagitan ng migranteng ibon, R-781 project na pagpapalaganap ng pathogens sa tao sa pamamagitan ng mga paniki, at UP-8 project na nananaliksik sa Congo-Crimean hemorrhagic fever virus at hantaviruses.
 

Dagdag ni Zhao, winewelkam ng panig Tsino ang pagsisiyasat ng komunidad ng daigdig sa mga dokumentong isiniwalat ng Rusya, sa ilalim ng mga balangkas ng United Nations (UN) at BWC.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method