CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang susuportahan ang pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan

2022-03-18 15:49:08  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang susuportahan ang pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan_fororder_d55964fd2f6b40eda0bd257c4b0fd2b8

Sa espesyal na pulong ng Financial Stability Board (FSB) ng Konseho ng Estado ng Tsina na ginanap Miyerkules, Marso 16, 2022, binigyan ng tugon ang isang serye ng mga isyung pinahahalagahan sa merkado na gaya ng makro-ekonomiya, real state, China Concept Stocks, platform economy at iba pa.
 

Ipinagdiinan ng FSB na ang paggigiit sa pag-unlad ay unang priyoridad. Dapat patuloy na gawing sentro ang pagpapaunlad ng kabuhayan, at ipagpatuloy ang pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas.
 

Ang signal ng suportang pampatakaran na ipinadala sa naturang pulong ay nakapagpatatag ng ekspektasyon sa merkado, at mabisang nakapagpahupa sa pagkabahala ng merkado.
 

Ayon sa unibersal na pagtaya sa merkado, hindi hihina ang lakas ng Tsina sa pagsuporta sa pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method