Tsina, tumututol sa pagtalakay ng mga lider ng Hapon at Amerika ng ilang paksang may kinalaman sa Tsina

2022-01-22 17:40:07  CMG
Share with:

Iniharap ngayong araw, Enero 22, 2022, ng Embahada ng Tsina sa Hapon ang representasyon sa panig Hapones, makaraang pag-usapan nina Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon at Pangulong Joe Biden ng Amerika ang mga negatibong bagay tungkol sa Tsina.

 

Sa kanilang virtual meeting kahapon, binanggit nina Biden at Kishida ang ilang paksang may kinalaman sa Tsina sa mga aspekto ng Xinjiang, Taiwan, Hong Kong, Diaoyu Islands at South China Sea.

 

Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Hapon, na ginawa ng mga lider na Hapones at Amerikano ang walang batayang pagbatikos sa Tsina, pinakialaman ang mga suliraning panloob ng bansa, at nilabag ang pandaigdigang batas at saligang norma sa relasyong pandaigdig. Ipinahayag aniya ng panig Tsino ang kawalang-kasiyahan at pagtutol tungkol dito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method