MFA: Ang Tsina ay palagiang nagsisikap para sa kapayapaan ng Ukraine

2022-03-22 14:24:57  CMG
Share with:

MFA: Ang Tsina ay palagiang nagsisikap para sa kapayapaan ng Ukraine_fororder_20220322MFA

Kaugnay ng paghimok ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya sa Tsina na kondenahin, kasama ng ibang mga bansa, ang aksyong militar ng Rusya sa Ukraine, binigyang-diin nitong Lunes, Marso 21, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iginigiit ng Tsina ang obdiyektibo at makatarungang paninindigan sa isyung Ukraine.

Sinabi ni Wang na palagiang nagsisikap ang kanyang bansa para sa kapayapaan ng Ukraine at patuloy na gaganap ng konstruktibong papel para rito.

Sinabi ni Wang na sa video meeting kamakailan sa pagitan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika, tinukoy ni Xi ang mga paninindigang Tsino sa paglutas ng krisis ng Ukraine na kinabibilangan ng pagkatig sa kapayapaan sa halip ng digmaan, nagsasariling pagsasagawa ng mga konklusyon batay sa mga merits ng bawat isyu, pangangalaga sa pandaigdigang batas at mga kilalang pundamental na prinsipyong pangdaigdig, paggiit ng ideyang panseguridad na komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenable.

Ipinahayag ni Wang na ipinagkaloob ng Tsina ang mga makataong tulong sa Ukraine at ibang mga apektadong bansa. Nanawagan si Wang sa iba’t ibang panig na dapat magkasamang katigan ang diyalogo at talastasan ng Rusya at Ukraine.

Hinimok ni Wang ang Amerika at NATO na isagawa ang diyalogo sa Rusya para lutasin ang sentro ng problema ng krisis ng Ukraine at mapahupa ang pagkabahala na panseguridad ng Rusya at Ukraine.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method