Ipinahayag Marso 19, 2022, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na nasa tamang panig ng kasaysayan ang paninindigan ng kanyang bansa sa isyu ng Ukraine.
Kaugnay ng video call nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, buong linaw at komprehensibo aniyang inilahad ng pangulong Tsino ang paninindigan ng Tsina sa naturang isyu.
Aniya, ang pinakamahalagang mensahe ni Pangulong Xi ay: "palagi at matatag na pinangangalagaan ng Tsina ang kapayapaan ng daigdig."
Sinabi ni Wang, na ang paninindigang ito ay hindi lamang nanggagaling sa kasaysayan at kultura ng Tsina, kundi nakalakip din sa patakarang panlabas na laging iginigiit ng bansa.
Sa pamamagitan ng obdiyektibo at walang kinikilingang paraan, patuloy na gagawin ng Tsina ang independiyenteng pagtasa sa pagiging tama o mali ng bawat usapin, dagdag ni Wang.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan