Sinabi Biyernes, Marso 11, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na 50 taon na ang nakakaraan, sinimulan ang normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano. Aniya, binuksan ng kapuwa panig ang pinto sa isa’t isa, at hindi dapat ito payagang magsara muli, higit sa lahat, hindi dapat kalasin ang ugnayan.
Saad ni Li, may malaking pagkakaiba ang Tsina at Amerika sa mga aspektong gaya ng sistemang panlipunan, historikal na kultura, yugto ng pag-unlad at iba pa, pero dapat maging pangunahing tunguhin ang kooperasyon. Kahit may kompetisyon sa merkado ang kapuwa panig sa larangang pangkabuhaya’t pangkalakalan, dapat maging positibo at makatarungan ang kompetisyon.
Noong isang taon, lumampas sa 750 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika, at ito ay lumaki ng halos 30% kumpara sa nagdaang taon, bagay na nagpapakita ng napakalaking potensyal ng kooperasyong Sino-Amerikano.
Dagdag niya, kung paluluwagin ng Amerika ang limitasyon sa pagluluwas ng Tsina, magiging mas mataas ang halaga ng kalakalan ng magkabilang panig, at makikinabang dito ang dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Amerikano, na hangarin ang pangmalayunang kapakanan.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tradisyonal na pintura at kasalukuyang maharmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan
Taunang sesyon ng kataas-taasang organo ng mga tagapayong pulitikal ng Tsina, ipininid
Tsina, nakapaglatag ng pundasyon para sa maligayang pamumuhay ng mga mamamayan
Tsina sa Amerika: Ang pagdadawit sa Tsina sa isyu ng Ukraine ay “kasuklam-suklam at malisyoso”