Sa news briefing na idinaos kahapon, Marso 11, 2022, isinalaysay ni Xiang Dong, Pangalawang Puno ng Research Office ng Konseho ng Estado ng Tsina, na kumpara sa ulat sa mga gawain ng pamahalaan na inilahad ni Premyer Li Keqiang sa unang araw ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), may 92 pagsusog sa bersyon nitong pinagtibay sa naturang sesyon.
Sinabi ni Xiang, na ginawa ang lahat ng mga pagsusog, batay sa mga palagay at mungkahing iniharap ng mga deputado ng NPC at kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Dagdag niya, sumasaklaw ang mga pagsusog, pangunahin na, sa tatlong aspektong gaya ng pagpapatatag ng kabuhayan, pagpapasulong sa inobasyon, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Kabilang dito, may halos 30 pagsusog tungkol sa edukasyon, serbisyong medikal, pag-aalaga sa mga matatanda, segurong panlipunan, at iba pa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos