Working visit sa Myanmar, natapos ng Espesyal na Sugo ng ASEAN: resulta, mas maganda kaysa inaasahan

2022-03-24 15:49:22  CMG
Share with:

 

Natapos nitong Miyerkules, Marso 23, 2022 ni Prak Sokhonn, Espesyal na Sugo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa isyu ng Myanmar at Ministrong Panlabas ng Cambodia, ang kanyang tatlong araw na working visit sa Myanmar.

Sa pagbalik sa Cambodia, ipinahayag niya sa paliparan ng Phnom Penh na positibo ang reaksyon ni Min Aung Hlaing, Tagapangulo ng State Administration Council ng Myanmar, sa tatlong mungkahing iniharap sa 2021 ASEAN Summit para malutas ang isyu ng Myanmar.

Kabilang sa tatlong mungkahi ay: pagtigil ng karahasan, pagkakaloob ng makataong tulong at paglutas sa isyung pulitikal.

Binigyang-diin ni Prak Sokhonn na ang isyu ng Myanmar ay usapin ng buong ASEAN, at kailangan ang mahabang panahon para ito ay malutas.

Aniya pa, naging mas maganda kaysa inaasahan ang bunga ng kanyang pagdalaw.

Nakahanda ang Cambodia na patuloy na pasulungin, kasama ng iba’t-ibang panig, ang pagsasakatuparan ng mga komong palagay sa 2021 ASEAN Summit, diin niya.

Iminungkahi rin ni Prak Sokhonn na idaos ang magkasanib na pulong sa darating na Abril o Mayo para hanapin ang plano ng ibayo pang paglutas sa isyu ng Myanmar, lalo na sa usapin ng pagkakaloob ng makataong tulong sa mga nangangailangang mamamayan.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

 

Please select the login method