CMG Komentryo: Isang buwan pagkaraang sumiklab ang sagupaan ng Rusya at Ukraine, pinalalala pa rin ng Amerika ang sitwasyon

2022-03-25 15:44:22  CMG
Share with:

Hanggang kahapon, Marso 24, 2022, umabot na sa isang buwan ang sagupaang militar sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
 

Sa palagay ng parami nang paraming personahe sa daigdig na gaya nina estadista John Joseph Mearsheimer ng Amerika at Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, ang ugat ng maigting na kalagayan sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay ang ekspansyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Silangang Europa, at may pangunahing pananagutan sa nasabing trahedya ang mga bansang kanluranin, lalong lalo na, ang Amerika.
 

Nagpipikit-mata ang Amerika sa mga pagbatikos, at patuloy pa ring nagpapasidhi ng ganitong maigting na kalagayan. Hangad nitong ipagpatuloy ang sagupaan ng Rusya at Ukraine.
 

Isang buwan na ang nakaraan sapul nang sumiklab ang labanan ng Rusya at Ukraine, kung patuloy na i-a-upgrade ng Amerika, kasama ng mga kaalyansang kanluranin, ang sangsyon laban sa Rusya, ibayo pang lalala ang sagupaan.

CMG Komentryo: Isang buwan pagkaraang sumiklab ang sagupaan ng Rusya at Ukraine, pinalalala pa rin ng Amerika ang sitwasyon_fororder_20220325komentaryo

Sa katotohanan, ang naturang sagupaan ay inudyukan ng Amerika. Batay sa kaisipan ng cold war, limang beses na pinarami ng NATO ang mga kasapi sa Silangang Europa, sa ilalim ng pag-udyok ng Amerika, walang humpay na sinakop ang espasyo ng estratehikong pamumuhay ng Rusya, at tikis na niyurakan ang redline ng soberanya at seguridad ng Rusya.
 

Kaugnay nito, malinaw na inihayag ng Rusya ang lubos na pagkabahala sa sariling seguridad at mariing pagtutol sa pagsapi ng Ukraine sa NATO.
 

Pero sa talastasan ng Amerika at Rusya bago sumiklab ang naturang sagupaan, nanatiling matigas pa rin ang pakikitungo ng Amerika, at sinabi nitong imposible ang pagtigil ng ekspansyon ng NATO.
 

Sinabi minsan ng Amerikanong opisyal na dapat pigilan ang paglala ng kalagayan. Ang dapat gawin nila ay mga aktuwal na aksyon, sa halip ng pananalita lamang, at likhain ang kondisyon para sa talastasang pangkapayapaan ng Rusya at Ukraine.
 

Napatunayan na at mapapatunayan pa ng kasaysayan na ang mga naglalaro ng apoy ay masusunog ang sarili sa wakas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method