Binigyang-diin nitong Lunes, Marso 28, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan, sa katunayan ay iba sa isyu ng Ukraine. Sinabi pa niyang mali ang pag-uugnay ng mga opisyal na militar ng Amerika ng isyu ng Ukraine sa isyu ng Taiwan. Ito aniya ay intensyonal na pagsira sa imahe ng Tsina.
Tinukoy ni Wang na ang isyu ng Ukraine ay resulta ng ekspansyon ng NATO sa dakong silangan ng Europa. Ang isyung ito aniya ay nagsisilbing isyung panseguridad ng Europa.
Binigyang-diin ni Wang na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Sinabi pa niyang ang Taiwan ay isang di-mahihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina at hindi ito bansang may soberanya na tulad ng Ukraine.
Salin: Ernest
Pulido: Mac