Paglalayag ng bapor pandigma ng Amerika sa Taiwan Straits, mapanganib - PLA

2022-03-20 16:09:09  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Marso 19, 2022, ni Shi Yi, tagapagsalita ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na mapanganib ang paglalayag na ginawa nitong Huwebes ng USS Ralph Johnson, guided missile destroyer ng Amerika sa Taiwan Straits.

 

Ito aniya ay probokatibong aksyong nagbibigay ng maling senyal sa mga separatistang nagtataguyod sa pagsasarili ng Taiwan.

 

Ayon pa rin sa nabanggit na tagapagsalita, sinubaybayan at sinundan ng PLA ang naturang barko de giyera ng Amerika, habang dumaraan ito sa Taiwan Straits.

 

Pananatilihin ng PLA ang mataas na alerto, at determinadong pangangalagaan ang soberanya at seguridad ng bansa at kapayapaan at katatagan ng rehiyon, dagdag ng tagapagsalita.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method