Ikatlong Pulong ng mga FM ng mga kapitbansa ng Afghanistan, sinimulan

2022-03-30 10:22:41  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong araw, Marso 30, 2022, sa lunsod Tunxi ng lalawigang Anhui ng Tsina ang Ikatlong Pulong ng mga FM ng mga kapitbansa ng Afghanistan na tatagal hanggang Marso 31, 2022.

 

Ang pulong na ito ay itinataguyod ng Tsina para talakayin ang mga plano hinggil sa pagpapatatag ng kalagayan ng Afghanistan at pagbibigay-tulong sa mga mamamayan ng bansang ito.

 

Lalahok sa naturang pulong ang mga Foreign Ministers o kinatawan ng Pakistan, Iran, Rusya, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.

 

Pagkatapos nito, idaraos ang diyalogo sa pagitan ng mga ministro ng Afghanistan at mga kapitbansa.

 

Bukod dito, sa panahon ng nasabing pulong, idaraos din ang pulong ng "China-U.S.-Russia+" consultation mechanism para talakayin ang isyu ng Afghanistan.

 

Dadalo na pulong na ito ang mga kinawatan ng Tsina, Amerika, Rusya at Pakistan.

 

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method