Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Pakistan, nag-usap

2022-03-31 15:28:47  CMG
Share with:

 

Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Pakistan, nag-usap_fororder_20220331Pakistan

Nag-usap nitong Miyerkules, Marso 30, 2022 sa lunsod Tunxi ng lalawigang Anhui sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Shah Mahmood Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan.

 

Sumang-ayon silang patuloy na isulong ang de-kalidad na pag-unlad ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC).

 

Ipinahayag ni Qureshi na buong sikap na igagarantiya ng Pakistan ang kaligtasan ng mga tauhan at organisasyon ng Tsina sa bansa.

 

Samantala, sa kanilang pagtalakay sa isyu ng Ukraine, ipinahayag ni Wang na dapat panatilihin ang pagbabantay sa mga negatibong epektong maaaring idulot ng isyung ito sa labas ng Europa.

 

Ipinahayag naman ni Qureshi na ikinababahala ng Pakistan at Organization of Islamic Cooperation (OIC) ang mga hamong dulot ng nasabing krisis sa mga umuunlad na bansa.

 

Iginigiit aniya ng Pakistan at OIC ang paggalang sa prinsipyo at layunin ng pandaigdigang batas at Karta ng United Nations (UN).

 

Saad niya, sinusuportahan ng Pakistan ang paglutas sa isyung nabanggit sa paraang diplomatiko.

 

Bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng OIC, nakahanda ang Pakistan na gamitin ang katulad na paninindigan ng Tsina sa isyung ito, pahayag ni Qureshi.

 

Si Shah Mahmood Qureshi ay nasa Tsina para lumahok sa Ikatlong Pulong ng mga FM ng mga kapitbansa ng Afghanistan.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method