Sa news briefing nitong Huwebes, Marso 31, 2022, isinalaysay ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang mga mahalagang komong palagay at bunga ng serye ng mga pulong hinggil sa isyu ng Afghanistan.
Aniya, dalawang dokumento ang narating sa mga pulong na kinabibilangan ng “Magkasanib na Pahayag ng Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Kapitbansa ng Afghanistan” at “Mungkahi sa Tunxi ng mga Kapitbansa ng Afghanistan Hinggil sa Pagsuporta sa Rekonstruksyon ng Kabuhayan at Pragmatikong Kooperasyon ng Afghanistan.”
Kapuwa ipinakikita ng mga dokumentong ito ang komong paninindigang pulitikal ng mga kapitbasa na bigyan ng substansyal na suporta ang Afghanistan sa mahahalagang larangang gaya ng makataong saklolo, konektibidad, kabuhaya’t kalakalan, pag-unlad ng agrikultura, enerhiya’t koryente, pagpapalakas ng kakayahan at iba pa.
Diin ni Wang, nananalig ang iba’t ibang panig na sa pamamagitan ng walang sawang pagsisikap, magiging maliwanag ang kinabukasan ng Afghanistan, at maisasakatuparan ang magandang pananabik ng mga mamamayan ng iba’t ibang lahi ng Afghanistan.
Salin: Vera
Pulido: Mac