CMG Komentaryo: Ang pakana ng NED sa “pagsasarili ng Taiwan”, siguradong mabibigo

2022-04-02 15:12:06  CMG
Share with:

 

CMG Komentaryo: Ang pakana ng NED sa “pagsasarili ng Taiwan”, siguradong mabibigo_fororder_20220402Taipei

Habang nasa Taiwan ng Tsina kamakailan si Damon Wilson, Puno ng National Endowment for Democracy (NED), buong sikap na pinalaganap niya ang ideyang “Color Revolution”. Ipinahayag din niya na nais ng NED na idaos ang di-umano’y World Movement for Democracy (WMD) sa Taipei sa darating na Oktubre. Ang ganitong pakana ng NED sa “pagsasarili ng Taiwan” ay siguradong mabibigo.

Ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina. Ang patakarang Isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano. Ipinangako nang maraming beses ng mga Pangulo ng Amerika na hindi nito sinusuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan”.

Ang NED ay isang di-pampamahalaang organisasyon na pinatatakbo ng pondo ng Pamahalaang Amerikano. Ang pagsuporta ng NED sa puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan” ay hindi lamang malubhang probokasyon sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Tsina, kundi maging sa paglabag sa mga pangako ng pamahalaang Amerikano.

CMG Komentaryo: Ang pakana ng NED sa “pagsasarili ng Taiwan”, siguradong mabibigo_fororder_20220402WhiteHouse

Sapul nang itatag ang NED, palagiang isinasagawa ng NED ang panghihimasok sa mga suliraning paloob ng ibang mga bansa at pagpapabagsak ng mga lehitimong rehimen ng ibang mga bansa. Ang nabanggit na pagbisita sa Taiwan ay itinuturing ding isa pang aksyon ng NED sa pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.

Noong 2003, kinatigan ng NED ang pagtatatag ng awtoridad ng Taiwan ng di-umano’y Taiwan Foundation for Democracy (TFD). At ang nabanggit na WMD ay isang aksyong para sa “pagsasarili ng Taiwan”, pero sa ngalan ng di-umano’y demokrasya.

Ang lahat ng mga aksyon para sa “pagsasarili ng Taiwan” ay nabigo noon at siguradong mabibigo uli ang mga katulad na plano at aksyon sa hinaharap.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method